NAGA CITY- Napaghandaan na ng lungsod ng Naga ang posibleng pagkapuno ng mga quarantine facilities sa pag-uwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) gayundin ang nasa ilalim ng Balik Probinsiya Program sa kabila ng nagpapatuloy na Modified General Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na na-modify na rin nila ang medical procedure na kailangan gawin bilang pagsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa alkalde, dinadaan nila sa tamang medical procedure ang sino man na papasok sa lungsod na galing sa mga lugar na may malaking bilang ng kaso ng COVID-19 gayundin ang pag-monitor sa mga ito kung nakauwi na sa kanilang mga bahay.

Samantala, inamin naman nito na nahihirapan ang Local Government Unit (LGU’s) hinggil sa mga pagbabago ngunit nilinaw naman nito na sumusunod lamang sila sa kautusan ng National Government.