NAGA CITY- Idineklara na ng Sangguniang Panlungsod ng Naga ang ‘state of calamity’ bunsod ng pag-positibo sa African Swine Fever (ASF) ng ilang barangay sa lugar.

Sa isinagawang ‘regular session’ ngayong umaga, nagkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod upang pahintulutan na ang nasabing deklarasyon.

Una ng sinabi ni Naga City Mayor Nelson Legacion na kinakailangang maipatupad ang ‘state of calamity’ para mas ma-assess ang calamity fund na magagamit para sa naturang problema.

Sa naturang deklarasyon, nakatakdang magbigay ang lokal na gobyerno ng Naga City sa mga apektadong hog raisers ng aabot sa P3,000 kung ang baboy ay buntis, P2,000 naman sa mga dumididi pa lamang na biik habang P1,000 naman sa mga malalaki na.

Ito ay maliban pa sa P5,000 na ayuda ng Department of Agriculture (DA).