Kinilala ang biktima na si Rene Roxas, 21-anyos, residente ng Barangay Marupit, Camaligan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rene Zuniega, Head Electrician sa nasabing pamilihang bayan, sinabi nito na may nagpaabot ng report sa kanilang opisina hinggil sa pagkakakuryente ng biktima sa 3rd floor ng NCPM.
Dahil dito, agad naman itong nagresponde sa pinangyarihan ng insidente para alamin ang sitwasyon ng biktima.
Ayon kay Zuñiga, napag-alaman na nakuryente si Roxas matapos nitong itaas ang isang nakasaksak na electric fan habang nakapaa dahilan para hindi na nito maalis ang nasabing appliances.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Adel Bendiola, team leader ng market guard, na wala nang malay ang biktima ng marespondehan ito at nagbakasakali sana na ma-revived sa pamamagitan ng CPR habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya.
Naitakbo pa aniya sa ospital ang biktima ngunit idineklara na itong Dead On Arrival ng mga doktor.
Samantala, hinikayat ni Zuniega ang lahat na mga business owners at mga nagtitinda sa merkado na siguraduhin na malinis ang mga wirings sa linya ng kuryente sa kanilang mga stall para maiwasan ang mga ganitong insidente.