NAGA CITY- Naka-heightened alert status na ang Naga City Police Office katuwang ang lahat nang augmentation forces para sa isasagawang Fluvial Procession ngayong araw sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSGT. Robert Aguillon, assistant public information officer ng Naga City Police Office, sinabi nito na katulad noong nakaraang deployment sa Traslacion Procession ang bilang ng mga kapulisan na ide-deploy para sa nasabing aktibidad ay nananatiling pareho.
Aniya, ang magigin pagkakaiba lamang ang security measures ay tutuon sa durasyon ng prusisyon dahil na rin sa mas mahaba ito at isasagawa sa ilog.
Mahigpit na pinapaalala pa rin ni Aguillon na mayroong ordinansa laban sa lahat ng mga pasaway, nasa impluwensiya ng nakakalasing na alak gayundin sa mga mahilig sumampa sa andas ni Ina Penafrancia.
Oras na mapatunayang nanggugulo lamang sa isasagawang aktibidad, papatawan ng karampatang kaparusahan at penalidad saka huhulihin ng mga kapulisan.
Pakiusap pa ng opisyal lalo na sa mga hindi naman opisyal na miyembro ng Confradia de San Jose na sumunod sa panuntunan ng Lokal na Pamahalan ng Naga upang sa gayon ay maidaos nang mapayapa at matagumpay ang nasabing processsion.
Maaalala, ang Fluvial Procession ay ang pinakahighlight ng Penafrancia Fiesta kung saan ito ay ang pagbabalik sa imahe ni Ina Penafrancia at El Divino Rostro sa original nitong tahanan sa Basilica Minore sa pamamagitan ng pagsakay sa pagoda at pagdaan sa Naga River.
Samantala, inaasahan naman dadagsa ang higit Isang milyon na deboto at bisita na dadalo sa naturang okasyon kung kaya asahan ang mahigpit na seguridad at pagpagpatupad muli ng signal jamming.
Sa ngayon, hagad na lamang ng opisyal ang kooperasyon ng lahat para sa ligtas na Fluvial procession ngayong taon.