NAGA CITY – Mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Naga City Police Office sa buong Naga City kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.
Ito’y dahil na rin sa inaasahan na pagpaparamdam ng mga kawatan o mga masasamang loob kasabay ng malalaking aktibidad na isasagawa.
Ayon sa pamunuan ng nasabing hepatura, sa ngayon mahigpit umano ang kanilang monitoring at police visibility dahil na rin sa mga insidente ng nakawan kamailan lang na delikado para sa publiko.
Kailangan umano maramdaman ng mga tao ang presensiya ng mga kapulisan lalot pa’t inaasahan nila ang pagdagsa ng maraming deboto na bibisita sa Naga City.
At dahil nga maraming tao, inaasahan rin ng mga kapulisan ang pagsulpot ng mga kawatan na sinasamantala ang aktibidad sa kanilang masamang gawain.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na palagiang i-check ang kanilang gamit kung pupunta sa mga matataong lugar at tiyakan umano na hindi nakakakuha ng atensyon ang kanilang mga suot na alahas.
Isa umano ito kasi ito sa mga dahilan kung bakit mayroong nananakawan, nabubudol at nabibiktima ng mga masasamang loob.
Sa ngayon, inabusahan rin ng mga otoridad ang publiko na sumunod sa lahat ng mga panuntunan na ilalabas kasabay sa selebrasyon ng Peñafrancia Festival.