NAGA CITY- Aminado ngayon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga na wala na silang pondo para sa COVID-19 issues.
Sa naging press conference ni Mayor Nelson Legacion, sinabi nitong wala ng sapat na pondo ang lungsod dahil sa epekto ng naturang pandemya.
Ayon kay Legacion, hindi nakasabay sa annual budget ang mga ginastos para sa pandemya at mayroon din aniyang mga pinagastusan na mga unprogrammed expenditure.
Aniya, mula noong mga nakaraang buwan, nagkaroon na ng shortfall sa ekonomiya ng lungsod.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Legacion na naghahanap sila ngayon ng paraan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ngayong pandemya.