NAGA CITY – Dinagsa ng libo-libong mga deboto ngayong hapon ang taunang isinasagawa na Traslacion Procession para sa paglilipat kay Nuestra Señora de Peñafrancia at El Divino Rostro mula sa Old Peñafrancia Shrine patungo sa Naga Metropolitan Cathedral.
Nagsimula ang parada kaninang bandang alas 3:30 ng hapon, kung saan naunang inilabas ang andas ni Divino Rostro at sinundan naman sa oras na alas 4 ng hapon ang andas naman ni Nuestra Señora de Peñafrancia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Joel Cecilio, Assistance Center ng Kabalikat Civicom 30 Naga City at isang deboto, sinabi nitong napagkasundoan aniya nila na hanggang hindi pa tapos ang event ay mananatili sila rito.
Mayroong na rin aniyang mga nawalan ng malay na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng mga nakaantay na medical personnel.
Ayon pa kay Cecilio, dahil sa pag-alis na sa lahat ng restrictions ng pandemya posibleng maging triple pa ang bilang ng mga deboto at voyadores nganyon na nakiisa sa Traslacion Procession.
Sa kabila nito, ang pag-inum aniya ng alak ng mga voyadores ay bahagi narin ng tradisyon ng mga ito at ginagamit lang rin itong panglaban sa samut-saring amoy sa loob ng procession.
Batay sa naging pagtala, bandang alas 2:30 ng hapon nasa umabot na sa 350,000 ang mga taong nakiisa sa prusisyon ngunit tumaas pa ito sa mahigit 432,000 ng sumapit ang alas 3:30 ng hapon. Habang ng kaninang alas 4:30 naman ng hapon tinatayang umabot na ito sa mahigit 550,000 at sa pagsapit naman ng 5:30 ng pagkahapon humigit kumulang 600,000 na ang mga tao dito.
Kung saan dito matatagpuan ang iba’t-ibang klase ng tao, Bikolano man o hindi mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na mayroong iba’t ibang mga dasal ngunit iisa ang paniniwala.