NAGA CITY- Tinitingnan rason sa mga naitalang grass fire at ilang pang insidente ng sunog sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Sur ang mataas na heat index .
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO3 Nezzer Montalbo, tagapagsalita ng BFP-Lupi, sinabi nito na sa mga nakalipas na araw o buwan maraming naitalang insidente ng sunog kasama na ang sumiklab na grass fire sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ayon kay Montalbo kailangang magdoble ingat ang publiko upang maiwasan ang mga ganitong insidente lalo pa’t nauna nang ibinabala ng state weather agency na maari pang maranasan ang mataas na temperatura sa mga susunod na araw.
Maalala, umabot na sa 44 degree celcius ang nararanasang init ng panahon sa Camarines Sur partikular sa lalawigan ng Camarines Sur.
Kaugnay nito, iwasan umano na magtapon ng plastic bottle sa mga tuyong damuhan dahil posible itong maging dahilan nang sunog lalo na’t napaka-init ng panahon.
Palagiang i-check ang mga electrical appliances sa mga kabahayan upang maisawan ang over-heating o overloading at tumawag sa pinakamalapit na fire station.
Unahin rin ang pagtawag sa BFP kaysa sa pagkuha ng mga lawaran o videos lalo pa’t hindi umano ito makakatulong sa pag-apula ng sunog.
Maalala, sa mga nakalipas na araw tuloy-tuloy na nararanasan sa lalawigan ng Camarines Sur ang matinding init ng panahon kung kaya naman patuloy ang mahigpit na pagmo-monitor ng BFP upang kaagad na makapagresponde kung kinakailangan.