NAGA CITY – Pumalo sa nasa 13 million na mga residente ng Kyushu Island sa Japan ang naapektuhan na ng Bagyong Nanmadol.

Mababatid na ang nasbaing lugar ang naging sentro ng naturang bagyo.

Sa ulat ni Bombo International News Corespondent Myles Beltran, mula sa Japan, sinabi nito na nasa 8 milyon na rin ang nasa evacuation center.

Umabot na rin sa 200 na mga kabahayan ang nawalan ng supply ng kuryente dahil sa pag landfall ng nasabing bagyo.

Ayon pa kay Beltran, ang mga transportasyon ang kasalukuyang nakatigil operasyon gaya na lamang ng mga tren, bullet trains at mga sasakyang pamhimpapawid.

Patuloy pa umano sa pagbigay ng mga relief goods ang gobierno ng nasabing bansa sa mga residenteng labis na naapektuhan ng sama ng panahon.

Samantala, ang nasabing bagyo ang itinuturing na pinakamalakas na tumama sa bansang Japan ngayong taon.

Sa nagyon, nasa 14 na rin ang napabalitang nasugatan habang wala pa namang naitatalang binawian ng buhay.