NAGA CITY- Umabot sa 200 sako ng mineral ore ang nakumpiska ng mga otoridad sa tatlo katao sa Brgy. Daguit, Labo Camarines Norte.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Reynaldo Salahay 40-anyos, Jonnie Duran 35-anyos at si Lito Pangilan 27-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) nabatid na nasabat ng mga otoridad ang tinatayang nasa 200 sako ng nasabing mineral na ibinyahe ng mga suspek gamit ang Isuzu wing van truck.

Sinasabi walang naibigay na mga dokumento ang mga suspek kung kaya agad itong inaresto at kinumpiska ang nasabing mga mineral.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.