NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P20,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa isang lalaki sa Purok 5, Brgy. Dalahican, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Dante Liyag, 46-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na poseur buyer sa suspek ng isang piraso ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng P500.00 bilang buy bust money.

Kaugnay nito, maliban sa buy bust item narekober pa sa suspek ang apat pang piraso ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 1.01 grams at tinatayang nagkakakahalaga ng P20,604.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.