NAGA CITY-Humigit kumulang isang libong mga magsasaka mula sa ibat ibang lugar sa Bicol ang nagmartya mula lungsod ng Iriga papuntang lungsod ng Naga para sa Lakbay Dalangin.
Layunin ng naturang aktibidad na hingiin kay Nuestra Señora de Peñafrancia na tulungan at bigyan ng magandang produkto ang magsasaka.
Maliban dito ipinagdarasal din umano ng mga ito ang patuloy na pagbaba ng presyo ng palay at copra.
Mula sa Iriga titigil muna ang grupo pagdating sa bayan ng Pili habang ipagpapatuloy naman bukas ang paglalakad mula Pili hanggang lungsod ng Naga.
Napag-alaman na tanging tubig at first aid lamang ang dala ng mga magsasaka sa gitna ng dalawang araw na paglalakad.
Kilala ang imahe ni Nuestra Señora de Penafrancia, ang patrona ng Bicol sa umano’y mga milagro nito.