NAGA CITY- Aabot sa P40,000 ang halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang suspek sa Zone 6, Barangay San Isidro, Baao, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Julian Britanico Jr, 50-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na naaresto an suspek matapos ang pagsilbi rito ng search warrant na binaba ni Hon. Martessa E. Nuylan-Rodriqueza Vice-Executive Judge, Branch 37, RTC, Iriga City, na pinalabas noong April 11, 2022.

Kaugnay nito nakumpiska ki Britanico ang isang sling bag na may lamang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu gayundin ang iba pang paraphernalia.

Samantala, tinatayang aabot sa 6-grams ang bigat ng nasabing illegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.