NAGA CITY – Kumpiskado ang tinatayang nasa P665-K na halag ng iligal na droga sa magkahiwalay na buybust operation ng mga otoridad sa Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sina Erwin Banta alyas Tirek, 38-anyos, residente ng Capitol Homesite Purok Pinag Isa Brgy. Cotta, sa naturang syudad at Andrew Paglicawan, 56-anyos, Ivy Joanna Marie Indo, 31-anyos, kapwa residente ng #96 Capitol Homesite, Bgy. Cotta, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, hinuli si Banta matapos makabili dito ang nagpanggap na posuer buyer ng isang pakete ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P12-K.
Habang nahuli naman sina Paglicawan at Indo matapos na makuhanan ng walong maliliit na pakete ng iligal na droga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na maliban sa buybust item narekober pa kay Banta ang lima pang pakete ng iligal na droga na may kabuuang bigat na 27.61 grams na nagkakahalaga naman ng nasa P563,244.
May bigat naman na 5 grams ang nakumpiskang droga sa dalawa pang suspek at tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.
Sa kabuuan, pumalo sa P665,244 ang kabuuang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska sa mga suspek.
Nabatid din na ang naturang mga suspek ang Newly Identified Drug Personality batay na rin sa datos ng mga awtoridad.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.