Pumalo na sa mahigit 2,000 katao, kabilang ang mga sibilyan at mga tauhan ng militar, ang nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Iran, ayon sa mga ulat at pagtataya ng mga human rights group.
Kabilang sa mga nasawi ang anim na crew member ng military refueling aircraft ng United States matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa Iraq.
Gayunman, sinabi ng Human Rights Activists News Agency (HRANA) na posibleng mas mataas pa sa naitalang bilang ang tunay na dami ng mga nasawi sa naturang giyera.
Samantala, naniniwala si US President Donald Trump na bahagyang tinutulungan ng Russia ang Iran.
Ayon kay Trump, posibleng ginagawa ito ng Russia bilang tugon sa patuloy na suporta ng Estados Unidos sa Ukraine.
Nauna namang pinabulaanan ng Russia ang alegasyon at iginiit na wala silang ibinibigay na intelligence report o tulong sa Iran kaugnay ng nagpapatuloy na labanan.













