NAGA CITY – Iminungkahi ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na gawin lamang na simple ang istraktura ng national minimum wage sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal, magagawa ito kung pag-iisahin na lamang sa anim na cluster ang 17 wage boards sa buong bansa na magkakapareho ang minimum wage levels.
Layunin ng suhestyon ni Chua na mas maging madali ang pamamahala, pag-regulate at pagpapatupad ng wage increases.
Ayon pa kay Chua, ito rin ang magiging daan upang mapaliit ang agwat ng halaga ng sweldo at kahirapan sa pagitan ng mga malalaki o mayamang rehiyon at mahihirap na rehiyon.
Samantala, umaasa rin si Chua na darating ang panahon na wala nang minimum wage na mas mababa pa sa poverty threshold lalo na at marami ng progreso ang nangyari sa ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon.