Naga City- Isasagawa sa lungsod ng Naga ang National Youth Basketball League Season 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Boss Brojz Turbots, Managing director ng Cali basketball club sa Calabanga, Camarines Sur, sinabi nito na nakahanda na ang kanilang team para sa tatlong dibisyon, ang under 14, under 17 at under 21 division para sa isasagawang aktibidad sa araw ng Linggo, Agosto 18, 2024. Kung saan, unang magkatunggali ng kanilang under 14 team ang mula sa Sorsogon.

Kaugnay nito, makikilahok dito ang iba’t ibang mga basketball players mula sa iba’t ibang probinsya ng Bicol.


Mayroon namang kabuuang 30 teams at bawat team ay mayroong 20 players. Maliban pa dito, lalahok rin sa opening ng mga magulang,  coaches, malalaking basketball team mula Bicol Region, at mga basketball officials gayan na lamang ng founder nito mula Metro Manila.

Samantala, nakipag-ugnayan rin sila sa iba’t ibang ahensya gaya na lamang ng PNP upang masiguro ang seguridad sa aktibidad.

Layunin naman nito ay upang mai-promote at mabigyan ng pagkakataon ang mga atleta lalong lalo na ang mga kabataan upang makilala ng mga malalaking league sa bansa at magin ng mga kilalang paaralan sa Metro Manila, nang sa ganoon ay mabigyan sila ng oportunidad na makapaglaro sa National at international games.