NAGA CITY- Wala nang buhay ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang sakahan sa Brgy. Sabang Calabanga Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Marvin Bartolome 32-anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ronald Brugada hepe ng Calabanga-PNP, sinabi nitong pasado 11:30 ng gabi kahapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang corcerned citizen hinggil sa nasabing bangkay.
Ayon kay Brugada, sinasabing nakikipag-inuman ang biktima gabi bago natagpuan ang bangkay nito.
Kaugnay nito, sa inisyal na imbestigasyon, itinuturo namang suspek si Charlie Gusmo residente ng Brgy. San Roque sa nasabing lugar na hindi nakaunawaan ng biktima.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.