Patuloy na bineberipika ng National Bureau of Investigation ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Charlie “Atong” Ang, na nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ayon kay Direktor Melvin Matibag, may magkasalungat na ulat kung si Ang ay nananatili pa sa bansa o nakalabas na ng Pilipinas, kaya’t nagtalaga na ng espesyal na grupo ang NBI na tututok sa paghahanap sa negosyante.
Sa kabila ng mga kasong kinakaharap ni Atong Ang, kabilang ang “kidnapping with homicide” at “kidnapping and serious illegal detention,” nananatili pa rin siyang hindi matagpuan, habang pinapalawak ng NBI ang kanilang imbestigasyon at pagpapatunay sa mga natatanggap nilang impormasyon.
Advertisement














