NAGA CITY- Hindi diretsong sinagot ni PSMgt. Tobias Bongon tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO) ang umano’y nangyaring misunderstanding sa lumabas na mga balita mula sa PDEA at NCPO.
Ito’y kaugnay ng magulong balita na inilabas ng dalawang ahensya na kinasasangkutan ng pinangalanang na si Salic Magoraon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bongon, sinabi nitong magkaiba naman umano ang trabaho ng dalawang ahensya kung kaya labas na sila sa mga gawa ng PDEA.
Kung maaalala, pasado 7:20 ng kahapon ng magsagawa ang PDEA ng buy bust ops sa kung saan naaresto si Magoraon subalit sa inilabas namang ng NCPO pasado 10:15 ng gabi parehong araw nasa labas pa si Magoraon kasama ng biktimang pinangalanan namang Allanoding Tamora na nasangkot naman sa isang robbery extortion.
Samantala, ayon naman kay Bongon, ang kaso lamang umano ng Robbery Extortion ang bibigyan nilang atensyon dahil hindi naman na umano nila sakop ang mga gawa ng ibang