NAGA CITY- All set na ang mga kapulisan katuwang ang iba’t ibang augmented personnel para sa pagdagsa ng libu-libong tao o mga deboto sa Naga City kaugnay sa isasagawang Fluvial Procession ngayong araw
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol. Chester Pomar tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na kagabi pa lamang nagkaroon na ng deployment ng kanilang mga tauhan katuwang ang Public Safety Office, Auxiliary Unit, Philippine Army, Coast Guard, PSO at iba pa.
Ayon pa kay Pomar, ang kanilang hanay ay mayroong nakadeploy sa bahagi ng medical team, paliparan, traffic enforcement, organic team, at rescue team.
Dagdag pa ng opisyal, naka-focus ang kanilang team sa pagbibigay seguridad sa mga VIP sa lahat ng mga obispo na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo
Magkakaroon ng iba’t ibang function ang mga kapulisan lalo na sa bahagi ng Cathedral kung saan mayroong platoon na nakadeploy sa mga daungan katulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard upang matiyak ang kaligtasan ng mga sasakay sa pagoda.
Maaalala, ang Fluvial procession ay ang pagbabalik ng Imahe ni Our lady of Peñafrancia sa orihinal nitong tahanan sa Basilica Minore na daraan sa Naga River kung saan taon-taon libo-libong mga deboto ang nakikiisa sa nasabing aktibidad.
Dahil naman sa inaasahang pagdagsa ng halos nasa milyon na deboto ngayong taon, mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa buong lungsod upang maiwasan ang anuman an untoward incident.
Maalala, umabot sa nasa 900-K katao ang dumagsa sa Naga City para sa isinagawang traslacion procession na kung saan inaasahan na malalampasan ngayong araw para sa pagsasagawa naman ng Fluvial Procession.
Sa ngayon, umaasa na lamang ang mga kapulisan na susunod ang lahat sa mga alituntunin mula sa traffic advisory, pagbabawal sa pagdadala ng mga patalim, at mga valuable items na hindi naman na dapat dalhin upang hindi mabiktima ng mga kawatan.