NAGA CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa natagpuang bangkay ng isang doktor sa Naga City.
Maalala, kahapon, Pebrero 16, 2025 nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa loob ng isang kotse na naka-park sa isang Village sa Concepcion Pequeña sa nasabing lungsod.
Kinilala ang biktima na si Dr. Rajean Monette Romualdez ng Bicol Medical Center.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni PLTCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng NCPO, sinabi nito na batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na may nasa passenger seat ang biktima at may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo, mula sa isang caliber 45 pistol na baril.
Ayon pa sa opisyal, mayroon na umano silang persons of interest sa katauhan ng live in partner ng biktima lalo pa’t mayroong isang lalaking sakay ng sasakyan ang nakitang bumaba mula sa driver’s side bago ito mabilis na nawala sa lugar at ito umano ang huling kasama ng doktor bago mangyariang insidente.
Samantala, nagbigay na rin ng pabuya ang Lokal na pamahalaan ng Naga City na nagkakahalaga ng P200-K sa sinuman na makakapagbigay ng impormasyon patungkol sa naturang kaso.
Tiniyak rin ng mga otoridad ang confidentiality at proteksyon sa sinuman na dudulog sa kanilang hepatura at makikipag-ugnayan sa agarang pagresolba sa krimen.
Una na rin na kinondena ng mga kapamilya, kaibiga, kakilala at pamunuan ng Bicol Medical Center ang sinapit ng biktima at nanawagan ng hustiya gayundin ng agarang pagresolba sa kaso.