NAGA CITY- Patuloy naman ang isinasagawang internal cleansing ng Naga City Police sa kanilang hanay upang mapanatili ang kridibilidad ng kanilang ahensiya.
Ayon kay PLt.Col Dario Sola, Deputy City Director for Administration, kasabay ng kanilang kagustuhan na mapanatili ang kalinisan sa loob ng NCPO nagsasagawa sila ng iba’t ibang mga aktibidad gaya na lamang ng mandatory drug testing sa kanilang mga tauhan.
Kaugnay nito, mayroon na rin umano silang mga nasampahan ng administrative case sa kanilang mga personnel na nasasangkot sa mga iligal na gawain.
Kung saan ang iba sa kanila, naresolba sa pamamagitan ng pagpataw ng karampatang mga penalidad. Habang ang mga tauhan naman na nag-AWOL na ang hindi makakatanggap ng kanilang mga benipisyo dahil sa pag-alis sa serbisyo na walang paalam.
Sa ngayon, ipinagpasalamt naman ng opisyal na hanggang ngayon, wala pa namang naaaresto o nakukulong na miyembro ng kanilang hanay dahil sa kasong kriminal.