NAGA CITY- Kinumpirma ng pamunuan ng Naga City Police Office Station 1 na mataas ang crime clearance efficiency sa mga nasasakupang lugar ng nasabing himpilan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol Marlon Catan, City Director ng NCPO Station 1, sinabi nito na halos 90% ng mga kasong pina-file at naaresto ang napupunta sakanilang himpilan dahilan upang magsikip ang prisinto sa nasabing istasyon.
Ito rin umano ang naging dahilan upang maging numero uno ang Station 2 sa Criminal Investigation Detective Management Division dahil sa maraming naaresto na mga wanted person noong nakaraang buwan ng Hunyo.
Sa ngayon, sa nasa 3,000 na mga naitalang krimen, 1,000 na ang nabawas ng istasyon sa loob ng isang taon.
Advertisement
Advertisement