NAGA CITY- Patay ang isang negosyante matapos magpatiwakal sa Barangay Poblacion 2, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si James Baysa Herrera, 59-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ang biktima ng kaniyang asawa na kinilalang si Rowena Herrera na nakahiga at duguan sa kama sa loob ng kanilang kwarto habang may hawak na baril.

Isinugod naman sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaan na walang nangyaring foul play sa insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.