NAGA CITY- Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin sa Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Manly Belza, 38-anyos, residente ng Brgy. Cabatuan, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang naghahanda ang biktima, kasama ang kaniyang asawa, ng kanilang mga paninda nang lumapir sa biktima ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril na lamang si Belza.

Dahil dito, nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril an biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit idenikalara nang dead-on-arrival ng mga doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa salarin sa krimen.