NAGA CITY- Patay ang isang negosyanteng babae matapos magpatiwakal sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Lovely, 21-anyos, residente ng Brgy San Roque Ilaya sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang kapatid na kinilalang si Angilyn Bravo sa loob ng banyo sa kanilang bahay na nakabigti.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bago ang insidente, nagkaroon umano ng away ang biktima sa kanyang kasintahan.

Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa patungkol sa naturang insidente.