NAGA CITY- Aminado ang mga negosyante at hog raisers sa lalawigan ng Camarines Sur na apektado na ang kanilang kabuhayan dahil sa kumakalat
na African Swine Fever (ASF).

Nabatid na halos tatlong bayan na sa nasabing lalawigan ang apektado ng naturang sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pablo Pacis, isa sa mga meat vendor sa naturang lalawigan, sinabi nitong mula noong kumpirmahin ng Department of Agriculture ang naturang sakit, humina na ang bentahan ng karne sa naturang lugar.

Sa kabila nito, naiintindihan naman aniya ni Pacis ang nangyayari dahil sa pag-iingat ng mga tao.

Samantala, maging ang mga hog raiser ay hindi na rin naiwasang magreklamo dahil sa pagkalugi ng mga ito lalo na ang mga nasa deklaradong ground
zero kung saan otomatikong ipapasailalim sa culling operation ang mga baby at babayaran lamang ng P5,000 ng DA.

Ayon sa hog raiser na si Marisa Aspe mula sa Magarao, mas mahal pa sa P5,000 ang nagastos nila sa nasabing mga baboy kung kaya wala ng
mangyayari sa kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, nag-apela ng dagdag na tulong ang naturang mga apektadong hog raiser sa pamahalaan para makabangong muli.Top