NAGA CITY- Wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa supply ng bigas sa Bicol Region kasabay ng kalamidad na pwedeng tumama sa rehiyon.
Ayon kay Regional Director Henry Tristeza ng National Food Authority Bicol lahat umano ng stocks available at hindi naman kukulangin lalo na ngayon na merong sama ng panahon na nararanasan sa mga susunod na araw.
Ayon kay Tristeza, ang pinoproblema na lamang nila ang pag-ani ng palay sa lalong madaling panahon ng mga magsasaka lalo na ang mga small farmers.
Ito upang maisalba ang mga aanihing palay sa danyos na maaring dala ng bagyo.
Subalit, aniya nagdagdag na sila ng manpower maging mga trucks na gagamitin upang mapabilis ang nasabing pag-ani.
Samantala, muli naman nitong siniguro ang publiko sa sapat na stocks ng bigas sa buong rehiyon.