NAGA CITY- Pinabulaanan ng National Irrigation Administration (NIA-Bicol) na wala silang pinapalabas na kumpirmasyon na iligal ang pagpapatayo ng Iconic Capitol Building sa Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ed Yu, tagapagsalita ng NIA-Bicol, kinontra nito ang mga naglalabasang balita na aniya’y ipinalabas ng ahensiya na nilabag ng pamahalaang panlalawigan ang DAR Administrative Order No. 1.
Ayon kay Yu, tanging sinipi lamang nito ang probisyon sa nasabing administrative order kung saan sa ilalim nito, lahat ng irrigated riceland ay hindi eligible para sa convertion.
Dagdag pa ng opisyal na namis-quote lamang ng ilang mga partido ang kaniyang naging pahayag.
Samantala, binigyang diin ni Yu na ang prayoridad ng ahensiya ay ang kapakanan lamang ng mga magsasaka at nakabatay lamang sila sa kung ano ang nakapalaman sa batas.
Sa ngayon, hindi na nagbigay ng ano pa mang pahayag ang opisyal hinggil sa kontrobersiyal na pinapatayong Iconic Capitol Building.