NAGA CITY – Nanawagan ngayon ang National Irrigation Administration (NIA)-Bicol sa mga lokal na gobyerno na makipagtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga irrigation canal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Engr. Gaudencio De Vera, Regional Manager, ng National Irrigation Administration RO V, sinabi nito na kahit pa umano gumawa sila ng magandang kalidad ng Irrigation system, ay hindi naman nila ito mababantayan ng 24 oras. Kung kaya binubuo nila ang Irrigators Associations upang magkaroon ng malasakit ang mga magsasaka sa mga irigasyon na kanilang ibinahagi dahil mga magsasaka rin umano ang nakikinabang nito.
Ngunit sa kabila ng pakikipag-ugnayan nila sa mga grupo ay mero pa rin talagang asosasyon ang hindi magiging matatag at hindi kayang panatilihin na malinis ang mga irigasyon.
Kaugnay nito, nanawagan si De Vera sa mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan upang matugunan ang problema sa basura sa mga irrigation canal sa Bicol Region.