Emosyonal na ibinahagi ng food vlogger na si Ninong Ry ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya bago maisilang ang kanilang anak na si Rafa, na kamakailan ay nagdiwang ng unang buwan nito.
Sa kanyang social media post, ikinuwento ni Ninong Ry na dalawang beses silang nakaranas ng miscarriage ng kanyang partner na si Belle bago muling nabigyan ng pagkakataong magkaanak.
Kalaunan, natuklasan nilang may APAS si Belle, dahilan upang sumailalim ito sa gamutan at araw-araw na pagtuturok ng gamot upang makatulong na mapanatili ang kanyang pagbubuntis.
Sa kabila ng mga pinagdaanang hirap, naging ligtas at malusog ang pagsilang kay Rafa, na itinuring nilang kanilang rainbow baby o sanggol na dumating matapos ang masakit na karanasan ng pagkawala ng mga naunang pagbubuntis.









