NAGA CITY- Naaresto na ng mga kapulisan ang rank no 1 municipal most wanted person matapos ang operasyon ng mga kapulisan sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Delfin Saludades, 38-anyos.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa bahay nito sa barangay Talingting na mayroong petsang Mayo 28, 2015 para sa kasong murder.

Sa ngayon, nananatili na sa kostudiya ng mga kapulisan ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Advertisement
Advertisement