NAGA CITY- Patay ang isang kasapi ng New People’s Army matapos ang madugong sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo sa Barangay San Vicente, Lupi, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatid na tumagal ng 25 minuto ang naturang engkwentro laban sa humigit kumulang 20 mga rebeldeng grupo.
Dahil dito, binawian ng buhay sa insidente ang isa sa mga kasapi nitong NPA.
Una rito, nabatid na sangkot ang rebeldeng grupo sa pangingikil at pagre-recruit ng mga menor de edad.
Samantala, narekober pa sa lugar ang 3 anti-personnel mines, 20-meter wire, 100 piraso ng M16 ammunitions, terroristic propaganda materials at mga personal na kagamitan.
Sa ngayon, magpapatuloy ang pagtugis ng pamahalaan sa mga rebeldeng grupo hanggang sa makamit ang hangarin nito na magkaroon ng tahimik at insurgency-free community.