Pinabulaanan ni Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) Chairperson Ronaldo Puno na nakipagpulong ang kanilang partido sa liderato ng Kamara hinggil sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng pag-amin na posibleng mauwi sa conscience vote ang desisyon ng mga miyembro ng NUP.

Nilinaw ni Puno na walang naganap na pormal na dayalogo o planong pulong ng NUP kina Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos. Iginiit niya na ang posisyon ng partido ay nakabase sa ebidensya at hindi sa anumang political pressure.

Bagamat una nang sinabi ng NUP na malabong paboran nila ang reklamo dahil walang bagong ebidensya, umiiral ang hati-hating pananaw ng mga miyembro.

Kinontra naman ito ni Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, na naniniwalang may sapat na batayan ng “betrayal of public trust” kaugnay sa livestream na ginawa ng bise presidente.

Advertisement

Sa kasalukuyan, dalawa na lamang sa apat na impeachment complaints ang nananatiling aktibo sa Kamara.

Advertisement