NAGA CITY- Patay ang isang nurse matapos ang karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay Silangan Mayao, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Ropert Baladad, 31-anyos, residente ng Barang Bukal 2 Pagbilao, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Baladad ang kahabaan ng diversion road gamit ang kaniyang motorsiklo nang bigla itong makabangga sa likod na bahagi ng bus na minamaneho naman ni Marjun Alterado, 33-anyos.

Napunta si Baladad sa kabilang linya at dito na ito nabangga ng isa pang van na minamaneho naman ni Edilberto Pornasdoro, 62-anyos.

Dinala pa sana sa ospital si Baladad upang malapatan ng lunas ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng van at bus habang nagpaptuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.