NAGA CITY- Maituturing umanong generally peaceful at orderly ang obserbasyon ng Undas 2019 sa Camarines Sur.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol. Felix Serbita Jr., City Director ng Naga City Police Office (NCPO) sinabi nitong, wala naman naitalang major at untoward incidents ngayong taon.
Nabatid na nakumpiska ang mahigit 65 na bote ng alak at apat na bladed weapons sa loob ng iba’t ibang sementeryo sa lungsod at lalawigan ng Camarines Sur.
Ayon kay Servita, bagamat may ilang nagpuslit ng mga ipinagbabawal na bagay agad naman itong nakumpiska ng mga otoridad.
Aniya, mahigpit umano nilang binabantayan ang lahat ng entry at exit points sa buong lungsod at Camarines Sur para mapanatili ang kapayapaan at seguridad.
Samantala, naniniwala naman ang opisyal na sa kooperayson ng mga kapulisan sa mga barangay officials at sa tulong ng iba’t ibag ahensya maging mga volunteers kung kaya naging maayos ang obserbasyon ng Undas ngayon na taon.