NAGA CITY- Nagpa-alala ngayon ang Office of the Civil Defense (OCD-Bicol) na ilikas na ang mga apektadong residente mula sa mga high risk areas bago pa man dumating ang Disyembre 2.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay OCD-Bicol Regional Director Claudio Yucot, sinabi nitong inutusan na ang lahat ng mga local na gobyerno na mag sagawa ng trimming sa mga kahoy lalo na sa mga lugar na pweding daanan ng bagyo dahil pwede aniya itong magresulta sa mga aksidente.
Ayon kay Yucot, base sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Education, nakatakda aniyang magkaroon din ng Temporary Learning System para sa mga estudyanteng lumikas dahil sa sana ng panahon.
Maliban dito, nagbigay din aniya ng assurance ang National Food Authority (NFA) na magbibigay ng halos 473,000 bags sack of rice sa buong Bicol.
Dagdag pa ng direktor, hindi pa man nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo, nakalatag na aniya ang lahat ng security at disaster response para sa mga apektadong lugar sa rehiyon.