NAGA CITY – Tiniyak ng Office of Civil Defense-Bicol na magiging matagumpay ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival 2024.
Sa talumpati ni Director Claudio Yucot, Regional Director ng Office of the Civil Defense, sinabi nito na nakikipagtulungan ang kanilang tanggapan sa Simbahang Katoliko at LGU para matiyak na magiging ligtas ang buong durasyon ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival. Naniniwala rin si Yucot na magiging matagumpay ang pagdiriwang na sinasabing isang plan event.
Ibig sabihin, maglalagay sila ng incident command system (ICS) at susuportahan ang LGU-Naga para maipatupad nang maayos ang kanilang ICS.
Dagdag pa ni Yucot, handa rin silang tumulong sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente sa panahon ng event, tulad ng mass casualty.
Maaari din nilang i-activate ang iba’t ibang cluster tulad ng uniform services, DOH, DSWD para sa pagkain, IHA o International Humanitarian Assistance cluster.
Samantala, magpapasok din sila ng dalawang tao na emergency operation center (EOC), anim na standby incident command system personnel.
Bukod dito, ang lahat ng aktibidad ay susubaybayan sa pamamagitan ng CCTV, radyo at iba pa.
Dagdag pa rito, nagpasalamat naman si Most Rev. Fr.Rex Andrew C. Alarcon, Arsobispo ng Caceres, sa bawat ahensya sa kanilang suporta sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa lungsod. Ayon kay Fr. Alarcon, ang Simbahan at LGU ay nagtutulungan mula pa noong simula ng tradisyon ng lungsod.
Dagdag pa nito, lahat ng uri ng grupo, tanggapan, indibidwal at ahensya ay nagkakaisa lamang upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao, mga deboto at ang lugar na labis na ikinatuwa ng Arsobispo.
Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, ang mga tao ay naglalaan ng oras upang ipakita ang kanilang malalim na pananampalataya sa Mahal na Ina.