NAGA CITY- Nabigla ang mga OFW’s sa Lesotho matapos na makasama ang lugar sa travel ban dahil sa kumakalat na Omicron Variant.
Matatandaan na nagpatupad ng travel ban ang ilang bansa sa mga lugar na posibleng apektado ng Omicron bilang paghihigpit laban sa panibagong variant of concern ng COVID-19.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Dexter Manansala, mula sa nasabing bansa, sinabi nito na nabigla sila nang makasama ang Lesotho sa nakaban sa ilang bansa kahit na wala namang kaso ng Omicron variant sa lugar.
Kung titingnan umano kasi, malayo naman an lokasyon ng Lesotho sa Bothswana kung saan unang nadetect ang pinakaunang kaso ng Omicron variant.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Manansala na walang pagbabago sa mga restrictions na pinapasunod sa lugar at malaya ang mga tao na lumabas at pumasok sa bansa.
Dagdag pa nito, nalulungkot umano ang ilang mga OFWs na nakatalaang umuwi sa Pilipinas ngayong pasko kaugnay ng kanselasyon ng mga byahe.
Matatandaang pansamantalang sinuspende ng IATF ang mga inbound International Flight mula sa pitong bansa kasali na ang Lesotho hanggang Disyembre 15.