NAGA CITY- Hangad ng isang OFW sa Sudan na matulungan ang mga “undocumented” OFW’s sa lugar sa pamamagitan ng paglalagay ng isang Philippine Embassy sa nasabing bansa.

Ito ang kahilingan sa pamahalaan ni Bombo International Correspondent Jove Laubeña mula sa Khartoum Sudan sa panayam ng Bombo Radyo Naga.

Aniya, mahirap kasi umano para sa kanila sakaling kailannganin nila ng tulong lalo na at nasa Egyt pa ang Philippine Embassy na nakakasakop sa bansa.

Dagdag pa ni Laubeña, dalawang beses sa isang taon kung pumunta sa Sudan ang nasabing embahada ngunit hindi umano ito sapat para matutukan ng husto ang problema ng mga Pinoy sa bansa lalo na at malawakan ang mga kilos protesta sa bansa.

Nabatid naman na nasa 70% ng mga Pinoy sa Sudan ang mga undocumented habang 30% lang ang mayroong dokumentos.

Samantala, marami sa mga Pinoy sa Sudan ang nais nang makauwi ng Pilipinas ngunit hindi lamang nito kayang maiwan ang kanilang mga pamilya sa naturang bansa.