Para sa international pop star na si Olivia Rodrigo, ang karaoke ang isa sa mga bagay na pinakakumokonekta sa kanya sa kanyang Filipino roots.

Sa isang clip, sinabi ng Filipino-American singer na sa tuwing nagka-karaoke siya ay napapa-“Hell yeah, I’m Filipino” siya.

Binanggit niya ang mga paborito niyang kantahin tulad ng Queen’s “Bohemian Rhapsody” at ABBA’s “Dancing Queen.”

Ibinahagi rin ni Rodrigo ang kanyang ideal day off sa Pilipinas, kung saan nais niyang kumain ng halo-halo at magpunta sa beach.

Advertisement

Sa parehong interview, binalikan din niya ang kanyang unang pagbisita sa bansa at ang kanyang sold-out concert sa Philippine Arena na dinaluhan ng humigit-kumulang 55,000 fans.

Ayon sa kanya, labis siyang humanga sa enerhiya ng crowd, lalo na nang sabayan ng mga kabataang Pilipino ang kanyang mga kanta tulad ng “Traitor.”

Kamakailan ay inilabas ni Rodrigo ang kanyang comeback single na “Drop Dead,” na sinundan ng music video na kinunan sa Palace of Versailles sa France.

Nakatakda namang ilabas ang kanyang ikatlong album na “You Seem Pretty Sad for a Girl So in Love” sa Hunyo 12.

Advertisement