NAGA CITY- Nakatakda umanong bumuo ang Bicol Region ng emergency response team sa mga residenteng apektado pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regional Director Arnel Garcia ng Department of Social Welfare and Development DSWD, sinabi nitong tatawagin ang mga immediate responders na itong “One Bicol Emergency Response Team”.
Ayon kay Garcia, ilan sa mga ito beterano at ekspertong responders na noon pang mangyari ang pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Aniya, nakatakda rin silang magpadala ng mga camp management, evacuation team at trained Psychosocial Aides para sa stress debreifing ng mga evacuees.
Samantala, ayon pa dito nakahanda pa silang muling magpadala ng tulong sa nasabing lugar kung kinakailangan.
Kung maaalala, dumating na ngayong araw ang unang batch ng tulong mula sa Bicol ang mahigit 5,000 food packs, generator sets at trucks ng tubig sa nasabing lugar.