NAGA CITY- Humigit kumulang sa 100 katao na umano sa Bicol ang isinailalim sa counselling kasabay ng community quarantine dahil sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Marivic Vargas-Balance ng United Registered Social Workers sa Bicol, sinabi nito na bukas umano ang kanilang grupo ng mga social workers na tumulong sa mga Bicolano na nakakaranas ng depresyon.
Ayon dito, ang grupo nila ay isang professional social workers na tumutulong lalo na sa counselling ng mga taong sumasailalim sa kaparehas na problema sa pag-iisip at emosyon.
Sa ngayon ibinibigay umano nila ng libre ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng online psychological services.
Kung maaalala malaki ang naging epekto ng nangyareng pamamaslang sa tatlong bata sa Camarines Norte dahil sa umanong inang nakakaranas ng depresyon.