NAGA CITY- Inaasahang magsimula na ang operasyon ng testing facility para sa COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Grace Santiago, inaasahang ibaba ngayong araw ang lisensya para sa Bio Safety Laboratory mula sa Department of Health (DOH) para sa opisyal na pagsisimula nito.
Matatagpuan ang nasabing pasilidad sa Lucena United Doctors Hospital and Medical Center.
Ayon kay Santiago, handa na rin aniya ang buong pasilidad at mga medical personnel na itatalaga sa nasabing lugar.
Aniya, sa pagsisimula ng operasyon, kaya nitong mag-accomodate ng 40-60 specimen bawat araw.
Positibo naman si Santiago na malaking bagay ang naturang laboratoryo para mas mapabilis ang paglabas ng resulta sa bawat specimen na ipinapasailalim eksaminasyon.
Sa ngayon mayroong kabuuang 81 confirmed cases sa Quezon, 53 rito ang nakarevor na habang walo naman ang nasawi.