NAGA CITY-Pormal nang ginawa bilang Regional Office ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa lungsod ng Naga.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Tomas Cariño, Regional Director ng BSP South Luzon Regional Office, sinabi nito na ang isinagawang media information session ang pinakaunang nangyari sa rehiyong Bikol.
Layunin aniya nito na maibahagi ng kanilang panig kung ano ang mga ginagawa ng bangko at ang kanilang adbokasiya.
Sa tatlong lungsod kasama na ang Naga City, Legazpi City, at Lucena City, mas pinili ng BSP ang lungsod ng Naga upang pormal na itong gawing regional office.
Isa sa dahilan dito ang dahil sa mayroong gold buying sa Naga City, base sa economic activities na naging #1 pa na most competitive city.
Kaugnay nito, patuloy rin na magiging available ang dolyar sa kanilang opisina habang ipag-papatuloy naman ng kanilang panig ang kanilang pag-sisipag upang mas lalo pang mas mapagaling ang kanilang serbisyo.
Sa ngayon, ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga ang nasabing magandang balita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas dahil nagpapatunay lamang ito na ang Naga City ay hindi papahuli sa ibang mga lungsod sa buong bansa.