NAGA CITY- Nag-arangkada na ang OPLAN Disiplina ng Public Safety Office sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Renne Gumba, ang head ng naturang opisina, sinabi nito na maliban sa prangkisa, kasama sa mga tinitingnan ng mga personnel ng PSO ang mga ID’s ng mga drivers
nang pampublikong sasakyan.

Ayon pa kay Gumba, sa pamamagitan nito magiging fully recorded and duly accredited ang mga nagtatrabaho sa lungsod.

Paglilinaw naman ng opisyal na hindi naman nila iniisyuhan ng citations ang mga walang ID’s ngunit may pakiusap naman ang kanilang opisina na i-update ng mga driver ang mga datos sa ng kanilang identification.

Samantala, panawagan naman nito sa mga pampribadong sasakyan na sundin ang mga designated na mga parking areas.

Sa ngayon, pinapa-review na ng PSO ang mga markings ng mga designated parking areas upang matulungan ang mga drivers na mag park sa naturang lungsod.