NAGA CITY- Plano ng Department of Education (DepEd)-Naga namagkaraon ng ordinansa para sa mga mag-aaral na mag-laan ng isang oras bawat araw para sa pag-aaral.
Sa naging pagharap sa mga kagawaran ng media ni Susan Collano, Schools Division Superintendent ng DepEd-Naga, sinabi nito na kung lahat ng mga estudyante ang nasa isang bahagi ng kanilang bahay para magbasa o mag-compute, wala aniyang sasawayin na mga bata sa kalsada. Ibig sabihin nito, hindi mag-aalala ang mga magulang kung saan nakatambay ang kanilang mga anak.
Maliban pa dito, mase-set aside rin ang mga gadget sa ganitong hakbang ng ahensiya at nang lokal na gobierno ng Naga.
Samantla, binigyan diit rin nito na hindi lahat na batas o panundonan ay 100% na masusunod ngunit kahit 20% ma lang aniya ay magiging balik, maayos na para sa isang programa, proyekto o ordinansa.