NAGA CITY- Kasabay ng pagdiriwang ng International Charity Day, labis ang pasasalamat ng Queen of Peace, isa sa mga Orphanage sa Bicol suporta at tulong ng Bombo Radyo lalo na ngayong nasa gitna parin ng pandemya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Sister Monica Magalona, sinabi nitong masaya sila na may mga grupo kagaya ng Bombo Radyo na hindi nagsasawang magbigay ng tulong lalo na sa mga nangangailangan.
Ang naturang orphange ay mayroong inaalagaang mga batang wala ng mga magulang at may mga iniindang karamdaman o kapansanan.
Aminado si Magalona na marami silang nararanasang problema sa ngayon dahil na rin sa pandemya habang hindi rin aniya masyadong makagalaw sa labas ang mga bata.
Nabatid na ilan sa mga batang ipinasok sa nasabing bahay-ampunan ang nanatili na aniya rito sa loob ng maraming taon dahil hindi na rin nila mahanap ang kanilang mga magulang.
Samantal, tiniyak naman ni Magalona na ibinibigay nila ang mga pangangaialangan ng mga bata habang nasa kanilang pangangalaga.