NAGA CITY- Naitala na ang inisyal na ulat ng pinsala sa agrikultura sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kung saan, aabot ito sa mahigit isang milyong piso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Adonis Aguilar Jr., Municipal Councilor ng nasabing bayan, tinatayang nasa P1.2 milyon ang pinsala sa mga palaisdaan habang tinatayang aabot sa mahigit P130 milyon ang pinsala sa sektor ng palay.
Ayon kay Aguilar, sa 48 barangay sa bayan, 28 ang naapektuhan o binaha dahil sa nakaraang bagyo.
Kasalukuyan silang nagpapatuloy sa kanilang paglilibot gayundin ang pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng nasabing bagyo. Kung saan, mula Oktubre 24, 2024 hanggang ngayong araw, nakapagbigay na sila ng relief sa 25 barangay kada pamilya.
Gayundin, patuloy ang kanilang assessment sa kabuuang pinsala ng bagyo at kung ano ang mga hakbang na dapat gawin upang matulungan ang nasabing sektor.